At the end of the day, it will always be the tough me! (Taken with instagram)
Kwentong konduktor-side story
sa dami na ng mga konduktor na nakausap ko, nag tanong kung saan ang byahe ko, tumingin ng ID ko at nag bigay ng ticket sakin. si kuyang konduktor ng Barney 588 ang pinaka sweet na konduktor na nakilala ko.
hehehe aba biruin mo naman, habang kami ay na sa byahe binabaybay namin ang tarik ng bondok ng bayan bago mag samin ay tumigil muna ang bus namin saglit at sabay bumaba si kuyang konduktor para kunin ang hapunan nya na nakalagay sa bag galing kay misis sabay kiss. yikeeee!
haha hagalpak kami ng tawa ng nanay, si kuyang inspektor mula sa isa kong kwento at si kuyang driver na napaka tagal mag maneho.
naisip ko lang, kung ganoon na lang lahat ng pamilya edi ang saya ng buong pilipinas. sabi nila hindi ako ganun ka sweet na tao pero nung nakita ko yung scene na yun napaisip ako, fan din naman pala ako ng mga ganung bagay. at sarap lang makita na may ganoong mga tatay parin, ganun ka sweet na misis parang isang kiss lang ramdam ko si kuya na energize sya.parang di na nya kelangan kainin pa yung hapunan na binigay sa kanya.
totoo nga ang sabi nila: it’s not the grand things, it’s the small things that count.
yiheee. buhay na si kuya!
— i’mscared?!orNOT!
— #crappydisappointments
— #inyourfacethefuckicare!
Student Fare!
lahat naman tayo ay nag rereklamo kapag tumaas na naman ang pamasahe. Kahit naman tumaas ang pamasahe, bilihin at kung ano-ano pa ang pwedeng itaas hindi parin naman nakikiuso sa pag taas ang weekly allowance ko. (kainis, di’ba?)
Kaya naman ang tanging solusyon ko sa problemang ito ay ang I.D. ko. HAHA!! student fare meeen! XD Dahil nga ang mahal ng pamasahe sa bus at bilang malayo ang inuuwian ko, patay na nga ako sa haba ng byahe aba’y patay rin ang bulsa ko!
Sa mga unang beses na ginamit ko ang bisa ng I.D. ko e talaga namang napahanga nya ko. kahit na ewan ko ba sa problema ng mga konduktor kubg bakit ayaw maniwala na estudyante ako, di ba halata sa muka ko! At kailangan pang tignan I.D. Ko damn! Effort pa sa paghahanap sa bagahe ko. Pero sige lang, malaki naman discount e!
Pero wag ka pag-uwi ko neto lang ilang linggo ang nakakaraan, sa bus na DLTB.Co ay kinuha ko I.D. Ko para sa student fare at ibinigay kay konduktor aba’t akalain mong si kuya binalik sakin at galit pa nga! Sabay sabing “miss expired na I.D. mo, 2nd sem 2010-11 o!”
Hahaha! Damn baby!! Ako na di validated ang I.D.
Gusto ko sanang mag reklamo kay kuya at sabihing.. “ikaw kaya kuya umakyat sa library namin! Hiking kaya dun tapos ang init pa. E busy ako aba! Bundok lang naman kasi ang university namin at gipit ako para mag jeep para makaakyat sa lib namin” ….”at UTANG NA LOOB, di naman ako nag la-library”
Ang sabi ko na lang… “pwede po bag reg form?” sabay abot ng Form5 with matching form26 pa! Haha
Aba! Ang sama pa ng loob ni kuya ng inabot nya ang discounted ticket. Hahaha. Sa sobrang hiya ko naman e hindi ko na lang tinanong ang pw ng wi-fi nila. At baka mabigwasan pa ko.
Lesson learned:
mag papa VALIDATE na ko every sem para validated na rin ako sa student fare.
P.S.
e naka auto-connect naman pala cp ko sa wi-fi nila. NYAHAHAHA! In your face kuya!!! :P
EPILOGUE: HAHAHA CHAROT
Nakakatuwangisipin, sa daming beses na buma-byahe ako ngayon lang ako na tuwang ganito. Sa experience ko ngayon sa pag byahe ko. Masasabi kong ang dami kong nalalaman sa buhay buhay sa simpleng pa balik balik ko mula UPLB hangang samin. May mga experience ako na may nakakatabi akong mga matatanda sa upuan na inaalok ako ng pagkain tapos biglang ako kukwentuhan ng istorya nila kung bakit babyahesila, yung iba naman bigla akong tatanungin ko saan daw ba ako pupunta, “saan ba byahe mo neng?” sabay ngiti. Marami rami narin akong nakausap at nakakwentuhan sa pag upo ko sa bus. Marami narin akong kwentong narinig kagaya na lang ng isang kwentong mag asawa nakasakay ko sa Barney na bus, kailangan daw nila bumyahe kasi may pupuntahan silang ambularyo kasi nauulol na angasawa. Shocking at weird.Yung ibang kwento nakakakilig kasi pupuntahan daw nya yung asawa nya yung iba naman bibisitahin nya ang inay nya.
Iba’t ibang tao ang makakasalamuha mo sa isang bus ride, katulad ng isa kong nakasakay call center agent ang drama ni ate, sabay banat saking “where are you heading?” wow pati ba naman sa pagsakay sa bus kelangan English, di naman nya ko customer. :D
etong araw na’to ang isa sa mga nakakapagod as in literal pero enjoy naman sa buhay ko. MAY 11, 2012. - ADVENTURE RACE ng PE2 ko na PHIL. GAMES.
sa araw na’to ang dami kong pagod at pawis. like oh my gosh. biruin mula 6am e tinatakbo na namin ang buong lower part ng university. sa mga gantong pagkakataon ay dalawa lang ang masasabi ko napakahirap talaga maka-uno at makakauha ng isang libong piso! damn baby xD
may 8 stations na nakakamatay.
1st station pa lang pamatay na! “POOL STATION” tsk.
medyo madali lang naman sakin to bilang swimmer naman ako naturally! (hindi professionally ha!) at ayun na nga hero mode pa ko, taga sagot ng turn ng isa kong teammate na sa sobrang tangkad nya e takot pala sya sa tubig. ayown dive 2x ang rama ko. pagod at hika pa nga ata ako. napaso pa nga ako sa pag inum na kape sa lintik na relay na na pandesal at kape ang dapat ubusin sa tig magkabilang end ng pool. pero worth it kasi sabi ni Ma’am, magaling daw ako mag swimming at in fact, akala nilacompetitive swimming ang sport ko. HAHAHA
2nd station buto ng kalamansi spitting!
aba’y malay ko bang magaling ako dumura, first attemp ko ay shoot kagad! kahit medyo kadiri na dahil sa sobrang hirap ng game ay kelangan namin ihagis na lang ang mga buto na may laway laway na ng mga teammates ko.
3rd station - (di ko lam tawag e) pero parang papatumbahin yung mga lata gamit tsinelas.
e varsity pala si Matt dun ayon ayos.
4th station “Boys & t-suares” station sa CEAT piko na kakaiba
ayun penalty na +5mins sa total game bilang napaka hirap talaga as in!
5th station after CEAT sa CPARK naman dapak! - Sinulid at karayom station naman
6th station- takte! sa YMCA jolen marathon.
ayon varsity naman ulit sa pinoy games. -3mins rewards
7th station sa LIBRARY ampunyetsa. Pinoy Henyo
panalo si ate kisha sa hula nyang mami kaso sabaly namansa word na kapote
8th station sa COPELAND! LIPAD
hanapin ang limang cover bits sa buong copeland!!!! takte. hayoowps. pero achievement e nahanap naman kagad at una kaming nakatapos sa last station! damn baby.
kala namin panalo na kami kaso ayown sablay. but we had fun naman e!!!
GO TEAM KEROPIANS -MAtt, kisha, mutya, nessy, cielo, berna, rish at me!
Promise me this
That you’ll stand by me forever
But if God forbid fate should step in
And force us into a goodbye
If you have children someday
When they point to the pictures
Please tell them my name
Tell them how the crowds went wild
Tell them how I hope they shine
Long live the walls we crashed through
I had the time of my life with you
(Source: Spotify)